Post by delfindakila on Dec 23, 2010 15:19:48 GMT 8
Noong mga nakaraang araw, pinagpala ang ating pambansang kuponan sa sipaang-bola na makapasok sa larong pangkalahatian nang talunin ang bansang Biyetnam. Subali't pinatahimik naman tayo nang dalawang beses sa bansang Indonesya. Kahit ganoon ang pangyayari, pinupuri at tinatangkilik ang kuponan ng mga ilang kababayan natin. Ang mga iba na ibinanggit natin sa kanila na nakapasok sa higit na mataas na antas ng paligsahan ay walang pakialam.
Sa panahong kasalukuyan, marami pa ring kakaining bigas ang ating pambasang kuponan ng putbol sa gitna ng pulitika ng Pederasyon sa Sipaang-bola ng Pilipinas o PFF bagama't nagsisimula pa lamang ang pag-angat ng sipaang-bola ng Pilipinas. Sa kakilanlan pa lamang, malaki talaga ang krisis nito. Kung baga, ipinagmamalaki bilang isang Pilipino nguni't nakasuot naman ng amerikana at hindi barong Tagalog. Ang mga kabatiran at ang pagbabatid nila ay dapat na gumamit ng wikang Filipino upang maunawaan ang mga Pilipino. Ang temang awit ay dapat gumamit ng awiting likha ng sariling atin sapagka't diyan tayo magaling na ikinatutuwa ng mga dayuhan lalo na ang mga Europeo.
Pagkatapos makamit ang higit na mataas na antas ng paligsahan o semipinal, dapat magpasalamat ng Pilipinas Azkals sa Panginoong Diyos tulad ni Manny Pacquiao na pumunta agad sa Simbahah ng Quiapo upang dumalaw sa Banal na Misa pagkatapos ng mga pagkapanalo at paglapag sa kanyang tinubuang lupa.
Kahit ganito ang katayuan ng pambansang kuponan, dapat na tayo matuwa bilang Pilipino sapagka't marami nang nagsusuot ng mga Europeong dyersing pamputbol at marami sa mga batang sumisipa ng mga iba't ibang uri ng bola. Tinatalo na ang mga dayuhang kilala at may mataas na larangan sa laro ng mga manlalarong Pilipino habang naglalaro bagkus tinatawag na itong "katayan" kung matindi. At higit sa lahat, pinag-uusapan na mga Pilipino tungkol sa Pandaigdigang Laro ng Sipaang-bola o FIFA World Cup. Natutuwa na tayo sa mga iilang kababayan na Pilipinas ang paboritong kuponan ng Pandaigdigang Laro.
Dapat itinaas pa ang diwa ng mga Pilipino sa sipaang-bola tulad ng isang haring-ibon o Haribon, ang pambansang ibon ng ating bansa at alisin ang utak-talangkang pawang asong lumalaboy sa kalye lamang. Sa panahong ito, dapat na maglingap ang mga Pilipino sa pambansang kuponan na magwawagawayway ang mga pambansang watawat sa Luneta, Quiapo, EDSA at sa iba't ibang bahagi ng mga lugar sa Pilipinas at magdagsa na higit na marami sa mga nagsipunta sa EDSA I at EDSA II.
Ito na po ang simula ng era ng putbol sa Pilipinas. Ito na ang patunay na nagbabago ang mga Pilipino.
Ka Del
Namamahala, Cainta United Football Club
Cainta, Rizal